MAGKANTAHAN TAYO NG PILIPINO MULA SA JAPANESE HIT SONGS 1 ay kombinasyon ng aklat-aralin at CD na naglalaman ng 12 popular na awitin sa Japan (at isang bonus na original duet song). Ang aklat nito na may 144 pahina ay naglalaman ng aralin para sa mga Hapones, songwriter's note, mga impormasyon ng iba't ibang media sa Japan at iba pa.
Upang lubos na maramdaman ang kagandahan at maintindihan ang nilalaman at tunay na kahulugan ng isa sa inyong paboritong awit sa Nihonggo. *Ang mga tampok at mga napiling awit dito ay mula sa isinagawang survey sa Maynila gayundin sa Tokyo para lamang sa proyektong ito
Bagay na bagay rito sa mga kasayahan (sa pamamagitan ng kantahan) at mga pagtitipong dinadaluhan ng mga magka-kaibigang Pilipino at mga Hapones na ginaganap sa kani-kanilang mga tahanan, gayundin sa mga proyekto ng mga N.G.O.s', governmental organizations at iba pa.
Lahat ng mga singer na gumanap dito ay pawang mga Pilipinong mang-aawit sa Japan. Nakasisiguro kaming mag-eenjoy kayo hindi lamang sa pakikinig sa CD, pagbabasa sa aklat-aralin nito, kundi pati na rin sa pagsabay sa pagkanta dito.
Ang CD-BOOK na ito ay isa ring napakaganda at bukod tanging regalo na maaari ninyong ibigay hindi lamang sa inyong mga kaibigang Hapon at Pilipino kundi pati na rin sa inyong mga mahal sa buhay. Tamang-tamang ito sa kahit na anong klaseng okasyon. Birthday man, Pasko, Valentine o isang remembrance man lamang. Sigurado, ikatutuwa niya ito...